Pinoy Daily Talk

Blogging just about anything under the Sun!

Willie Revillame: Arrogance of Money

with 6 comments

willie

The influence of money has gotten into Willie’s head. The power of money has made this noontime show host arrogant in all his ways.

During the airing of his show, “Wowowee”, he objected, “on air”, to the insertion of a video of former President Corazon Aquino’s cortege.

“Hindi siguro magandang tingnan na pinapakita niyo yan (Mrs. Aquino’s footage). Nagsasaya kami tapos pinapakita niyo yung, I don’t think dapat ipakita yan.”

“Eh mahihirapan akong magsalita rito. Nagpapasaya ako nakikita ko ‘yung ano (cortege) ni Tita Cory. Sana pakitanggal naman muna ‘yan sa ating traffic. Kasi kung ganyan pakita nalang natin ‘yan kasi nagsasaya kami dito tapos masakit sa akin yan. Nagsasalita ako dito yan Pls, sana maintindhan niyo, nagsasaya kami dito papakita niyo sa amin yun. Diba? Hindi tama eh okay?”

“Hay nako. Pangit. Hindi maganda ho sa atin nagsasalita pinapakita yung kabaong ni Tita Cory. Diba? Paano kami magkakapagsaya nahihirapan kami? I’m sorry ho ah pero ako totoo ako eh. ‘Wag niyo akong papagalitan…Pagkatapos ng show pakita niyo ‘yung gusto niyong ipalabas. Kasi itong Wowowee gusto ko at alam din ni Tita Cory ‘yan kasi napasaya din siya ng show na ito na laging masaya dito. Okay?”

A day after this controversial remarks, he apologized through his show and clarified that he had no ill intentions when he sought the removal of the insets.

However, some cause oriented groups were dismayed over his arrogance. The MTRCB also reiterated that Revillame violated code of ethics.

Yesterday, a poem created by Joey De Leon, were spreading on emails. And to share with you, here is the poem…

Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.

Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika’y parang nabastos sa isang
TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.

Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa
video na kanyang kasalo,
“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!

Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,
“ Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting
traffic…”
At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!

At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.

At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la’y napa-
wow!

“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.

“Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,
Para
bang ang prusisyon nila-“lang – lang” lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
Sumunod ang himpilan, nung
August 5 wala s’ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
“On camera” baga sa TV ang tawag d’yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng
commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng
network n’yo?

Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!

O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang,
Tulad ng
“two-zero” ‘di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na
studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s’ya,
Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,
Namayapang pangulo’y huling paalam na,
‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.

6 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. yung pandarayang ginawa nila sa game show nawalang parang bula kahit buong mundo ay nakakita. kaawa awang mga kababayan sa hirap ng buhay kahit na lantarang dinadaya ay pinababayaan lang upang makamit ang pa premyo na gustong makamtan. sobra na tama na ang dayaan,bastusan at sobrang kayabangan. tanghaling show, mga bata nakikita ito hindi maganda sa pandinig at sa paningin ang mga ito sa mga kabataan. hindi ang manyakis at bastos na host ang pinapanood at pinupuntahan ng mga tao kundi yung pa premyo. maraming magaling at respetadong host dyan na pedeng pumalit. alisin na yung mayabang at bastos nayan. tama na, hindi lang isang beses nangyari yan marami na, wag na nating intayin na me sumunod pa.

    air

    August 11, 2009 at 9:51 pm

  2. crab mentality. sakay na!

    PinoyEthics

    August 12, 2009 at 2:27 am

  3. “Crab Mentality” is a behavior with how the crab or the “talangka” in their desire to climb out of the hole, they try to pull those on top in order to get ahead of the rest.

    This is the negative observation but on the positive side, try to observe those crab, you’ll notice that eventually almost all of them will be able to climb out of the hole.

    Let’s look back at our history. See the true meaning of “crab mentality” and how it helps the “Ilustrados” gain societal prominence.

    simpl3man

    August 12, 2009 at 3:07 am

  4. Even before this controversy, talagang arogante na ang host na yan lalo na sa mga staff ng show as if he owns it. Sana naman ay kumuha ang ABS-CBN ng host na magiging magandang ehemplo sa mga nanonood at di mayabang na bastos. The last episodes of the show are more pleasant to watch. Pokwang is funnier as host but sometimes nadadala na nya ang ugali ni Willie.

    kabayan

    August 12, 2009 at 11:52 pm

  5. mas ok. na ngayon ang show,wala ka ng makitang nambastos at nang api sa mga staff, o sa mga guest,kunwari mabait pero ayaw ka,mas masahol pa siya kay Marcos ka diktador,lahat takot sa kanya,kaya sunud-suran ang mga staff sa kanya,mas masya at maaliwalas sa mata ngayon ang programa,hindi na siya kailangan bumalik at sana si Pokwang huwag niyang gayahin ang pag ka arrogante ng natalsik na host dahil sa kabaong nga ating minamahal na dating pangulo Cory Aquino….

    yamba

    September 15, 2009 at 6:06 am

  6. LECHE!! Walang Kwenta ang Show. If the management keeps Willie for money, that speaks of the values of the ABS CBN Management. I’m hoping they would prove themselves to be more than that. FIRE WILLIE!

    TO THE ABS CBN MANAGEMENT TEAM: REMEMBER TV IS A POWERFUL MEDIA TO INFLUENCE FILIPINO PEOPLE. IF YOU SUPPORT THE PROPAGATION OF ARROGANCE, HUMILIATION AND INDIFFERENCE IN THE PERSON OF WILLIE JUST TO EARN MONEY, THAT DOES NOT SPEAK OF YOUR SOCIAL RESPONSIBILITY AS AN ENTITY

    JOhn

    May 11, 2010 at 9:22 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: